Akda ni Mike (@mike_languages on Twitter)
Isinalin ni Ren
Itanong sa Iyong Sarili: Saan Nagmula ang Aking Pagkahumaling sa mga Wika?
Ang pagbalik-tanaw sa sandali na nagsimula ng lahat ay isang mahusay na estratehiya kapag ikaw ay nakakaranas ng pagkalungkot, pagkalito, o pagkabahala. Baka ito ay dahil sa iyong pamilya o mga kaibigan, o nais mo lang matutunan ang isang tiyak na wika dahil gusto mo ang tunog nito at ang kulturang nakapalibot dito. Anumang dahilan ay sapat na!
Para sa akin, may isang sandali na laging pumapasok sa isip ko kapag naiisip ko ang aking unang karanasan sa wika.
Nung ako ay 13 taong gulang pa at kasama ang aking pamilya sa bakasyon at kami ay kumakain sa isang restawran. Malinaw pa sa ala-ala ko na sinubukan kong basahin ang isang menu sa Italyano. Siguro ay halata ang aming pagkalito nang dumating ang isang bungkos ng mga menu sa Ingles, ngunit hindi nila kinuha ang orihinal na mga menu. Bilang isang pausbong na batang lingguwist, pinili kong ilagay ang dalawang menu sa tabi-tabi at ikumpara ang bokabularyo.
Nasasabik sa aking mga natuklasan, nagmadali akong ibahagi ito sa mesa: “Tignan nyo! Alam niyo ba na ang Italyanong salita para sa pasta ay… ‘salsa’?” (Ang ‘salsa’ ay nangangahulugang ‘sauce’)
Nagpatuloy ako hanggang sa hampasin ako ng aking pinsan na si Angus sa likod ng ulo at ipaliwanag, “Hindi magkatulad ang mga salita sa bawat wika!”
Tatlong Taon Pagkatapos: Isang Di Inaasahang Pagpipilian
“Kailangan mong pumili.” Ramdam ko na ang guro sa paaralan ay nasa dulo na ng kanyang pasensya. Ako ay nakaupo sa kanyang opisina na sinusuri ang mga aplikasyon sa kolehiyo dahil papalapit na ang aking pagtatapos.
“Well, ang deadline ng application mo ay sa loob lang ng dalawang araw, at wala ka pang cover letter!”
Tahimik. Sa tingin ko ay inaasahan kong magsalita dito, ngunit ako ay lubos na naguluhan.
Nagpatuloy siya, “Michael…alam mo ba kung ano ang gusto mong gawin sa buhay?”
Ngayon, hindi ko alam sa iyo, ngunit iyon ay isang MALAKING tanong na itatanong sa isang Lunes ng umaga. Lalo na sa isang 16-taong-gulang na batang lalaki na muntik nang hindi makasakay sa bus papuntang paaralan ng umagang iyon dahil nalimutan niya.
Gayunpaman, tumugon ako ng diretso. “Hindi ko talaga alam ma’am, pero sa tingin ko ay hindi ito yun.” Pinasalamatan ko siya para sa kanyang oras, tahimik na lumabas mula sa kanyang opisina, at biglang nagkaroon ako ng ngiti sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang magiging landas ko, ngunit ngayon ay sigurado ako na nais kong sundan ang ibang landas: pag-aaral ng mga wika at pagtulong sa iba.
Bagaman maaaring mukhang isang nakakasama ng loob na karanasan, ang pagpupulong na iyon ay talagang nagbigay sa akin ng kaliwanagan sa kung ano ang mahalaga sa akin sa buhay.
Isang bagay na talagang inaasahan ko ay ang nalalapit na paglalakbay sa Frankfurt kasama ang klase sa German. Ako ay ipinanganak sa Viersen, Germany ngunit lumipat kami pabalik sa UK nang ako ay dalawang taon gulang pa lamang, kaya't nasasabik akong matutunan ang higit pang Aleman sa paglalakbay ng klase dahil wala akong natutunan noong bata pa ako.
Kaya kahit na ang mga bagay ay tila hindi umaayon sa iyo, mayroong laging matutunan.
Ang Kahalagahan ng Pag-alala sa Iyong Pinagmulan
Palagi kong naiisip ang sandaling iyon sa Italy nung ang buhay ko ay simple lamang at iniisip ko na ang mga salita ay madaling magkatugma. Kahit na alam ko ngayon na hindi ganoon kasimple ang mga wika, ang alaala ng unang pagkahumaling ko ay tumutulong sa akin sa mga araw na ako ay nahihirapan sa mga kumplikadong estruktura o pagsusulat ng sanaysay.
Ang sandaling iyon ay nagpapaalala rin sa akin na huwag masyadong kumplikaduhin ang proseso at tangkilikin ang pakikipagsapalaran ng mga wika.
Balikan mo ang mga oras na ikaw ay mausisa tulad ng isang bata, hawakan ang mga damdaming iyon ng pagkakainteres, at tanggapin ang mga pagkakamali sa daan. Sa pamamagitan nito, maging astig ka, mamamanhid sa sariling pagdududa at hindi matitinag sa mga pagbatikos.
Lahat tayo ay natutunan ang ating unang wika bilang mga bata, kaya pasukin ang imahinasyon ng pagkabata at panatilihin ang iyong inosenteng pagkamausisa. Ito ang magbibigay sa iyo ng lakas sa panahon ng pagsubok na idudulot ng pag-aaral ng wika.
Mga Ideya para sa mga Oras na Pakiramdam Mo ay Nawawalan Ka ng Gana:
Isulat ang iyong mga dahilan sa isang post-it at ilagay ito sa isang lugar na madalas mong makita araw-araw
Gumawa ng tala sa journal na nagpapaliwanag kung bakit mo pinag-aaralan ang mga wika
Makipag-usap sa isang tao, maaaring isang study buddy o kaibigan, at sabihin sa kanila ang tungkol sa iyong paglalakbay sa pag-aaral
Maglaan ng oras upang balikan at tingnan kung gaano ka na kalayo
Kung talagang mahirap, pag-isipan kung ano ang maaaring mapabuti at tingnan kung ano ang nagpukaw ng iyong pagkahumaling sa umpisa – baka makakuha ka ng inspirasyon mula doon
Sa huli, hindi mo ito pagsisisihan. Paalalahanan ang iyong sarili tungkol dito, kasama ang mga dahilan kung bakit ka nagsimula.
Naaaliw ako sa tuwing ang mga native speakers ay nag-iisip durugo ang ilong nila sa English, ngunit nagugulat (at nasasagip pa) kapag nakakasalamuha ko sila sa aking limitadong Portuges.
Gusto ko ang pakiramdam na magagawa kong maging magalang kapag ako ay naglalakbay, kapag inaasahan ng iba na ako ay isang ‘ignorant British tourist’ sa halip.
Gusto kong makilala ang mga kaibigan mula sa iba't ibang panig ng mundo at maranasan ang kanilang kultura, kanilang bansa at kanilang humor.
Gusto ko ang mga oportunidad sa trabaho na ibinigay ng mga wika sa akin.
Ano ang gusto mo sa pag-aaral ng wika? Sabihin sa amin sa Twitter o sa Discord gamit ang #MyLanguageWhy!
Salamat sa pagbabasa, at umaasa akong matutunan mo at paalalahanan ang iyong sarili ng iyong layunin, ng iyong “bakit” sa pag-aaral ng mga wika.
- Mike (@mike_languages on Twitter)
Tungkol kay Mike
Mahilig kumain ng Marmite, downhill skiing, football-loving Campaigner (ENFP-A) personality mula sa UK. Mahilig akong makipag-ugnayan sa iba’t-ibang tao at binibigyan ako ng pagkakataon ng pagkatuto sa mga wika ng pagkakataon na gawin ito sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Dinala ko ang aking pagkahumaling sa mga wika sa militar upang makalabas at maranasan ang mundo. Matapos ang 7 taon ng paglilingkod, nais kong lumabas at turuan ang iba kung paano nila mapapalawak ang kanilang mga pananaw gamit ang mga wika.
Tungkol kay Ren
Si Ren ay isang Pinoy na nakatira sa Japan. Natuto ng Japanese dahil sa pangangailangan, nakapag-aral siya sa language school nang halos 2 taon at pasang-awa sa JLPT N2. Bukod sa Tagalog, English, at Japanese, nakakaintindi siya ng Cebuano at Hiligaynon. Kung hindi siya nag-aadik sa Chess.com, siya ay nag-eensayo ng free throw shooting o nagwi-window shopping ng basketball shoes. Siya ay aktibong miyembro ng Global Cafe, isang Online Language Exchange kung saan nakikipag-usap sila sa English at Japanese.