top of page
Almond

Language of the Month: Yiddish - יידיש

Akda ni Almond

Isinalin ni Ren


A mainly blue artwork depicting a farmhouse

Sining ni Marc Chagall


שלום עליכם!

Tuloy po kayo sa tampok na wika sa Language of the Month! Ang ikalawang tampok na wika sa Language of the Month ay ang Yiddish. Tinatawag na “mame loshn” (inaasahang wika) ng mga tagapagsalita ng Yiddish, ang Yiddish ay isang West Germanic na wika na historically ay sinasalita ng mga Ashkenazi Jewish na komunidad sa Central at Eastern Europe.


Ngayon, ito ay pangunahing sinasalita ng kanilang mga inapo sa Estados Unidos, Israel, Canada, Russia, at sa mga kalat-kalat na lugar sa Europa. Sa kaunting mga bansa na may Yiddish bilang minoryang wika at pagkakaroon lamang ng isang pagkakataon ng anumang “opisyal” na katayuan, ang Yiddish ay inilalarawan ng ilan bilang isang bansa ng mga salita.

Ngunit Ano Ba Talaga ang Yiddish?

Ang Yiddish mismo ay nangangahulugang “Jewish” at nagsimula bilang isang dayalekto ng High German na may mga elemento mula sa Hebrew, Aramaic, at Romance Languages.


Ang pinakakilalang teorya ukol sa pinagmulan ng Yiddish ay nang ang mga Hudyo noong ika-10 siglo ay lumipat mula sa France at Italy papunta sa German Rhine Valley. Pagdating doon, pinagsama nila ang mga wika na kanilang alam at natutunan sa isang maagang bersyon ng Yiddish. Hindi hanggang sa mga Crusade at Black Death na naging isang natatanging wika ang Yiddish sa halip na isang dayalekto. Dahil sa mga pangyayaring ito, lumipat ang mga komunidad patungong silangan, at sa gayon ay nakahiwalay ang Yiddish mula sa German ng panahoong iyon.


Habang nagbabago at umuunlad ang German, ganoon din ang Yiddish, na kumuha ng mga salitang Slavic at iba pang elemento. Dahil lumago ang mga komunidad at nakipag-ugnayan sa iba, naging malawak na lingua franca ng mga Hudyo sa Europa ang Yiddish. Mula noon, lalong naging natatangi ang wika. Nag-develop at umunlad ang Yiddish na teatro, literatura, at pangkalahatang kultura. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, malaki ang pagbagsak ng bilang ng mga nagsasalita dahil sa Holocaust at asimilasyon sa ibang mga bansa, gayunpaman, may mga pagsisikap na buhayin ang wika na patuloy hanggang sa ngayon.


Yosl Cutler behind one of his theatre puppets

Yosl Cutler sa likod ng isa sa kanyang mga papet sa teatro. Larawan ni YIVO.


Alam Mo Ba?

  • Gumagamit ang Yiddish ng Hebrew alphabet dahil bawat Hudyo ay pamilyar dito.

  • Sa isang maikling panahon, nakakuha ito ng opisyal na suporta mula sa maagang Soviet Union noong kalagitnaan ng 1920s hanggang maagang 1930s basta't ito ay mahigpit na isang kultural na ekspresyon na walang nilalaman na relihiyon. Nagkaroon pa sila ng Jewish Autonomous Oblast na ang Yiddish ang opisyal na wika. Umusbong ang teatro at literatura lalo na sa isang napakaikling panahon bago magsimulang mag-censor at isara ng USSR ang mga institusyon ng Yiddish. Naging “anti-soviet” ang Yiddish at tiniyak ng pagpupurga ni Stalin ang pagkawasak ng wika sa Russia kahit hanggang sa kasalukuyan.

  • Ang mga pahayagan, literatura, dulaan, at pelikula sa Yiddish ay patuloy na ginagawa hanggang ngayon. Ang wika ay sumasailalim sa isang muling interes at mga pagsisikap patungo sa pagkabuhay muli.

  • Ang Yiddish ay tinatayang may 500,000 hanggang isang milyong tagapagsalita sa buong mundo ngayon.

  • May ilang mga dayalekto ang Yiddish at isang mas kontrobersyal na “standardized” na dayalekto na tinatawag na YIVO, ayon sa institusyon na nanguna sa pagsisikap na ito.


Mga Pangunahing Parirala:

  • Hello — שלום - Shalom

  • Magandang umaga — גוטן מאָרגן - Gutn morgn

  • Magandang gabi — אַ גוט אָוונט - A gut ovnt

  • Nasaan ang palikuran? — וווּ איז דער וואַשצימער - Vu iz der vashtsimer

  • Salamat — אַ דאַנק - A dank

  • Mahal kita — איך האָב דיר ליב - Ikh hob dir lib

  • Congratulations — מזל טוב - Mazel tov

  • Paalam — אַ גוטן טאָג - A gut tog

 

Tungkol kay Almond

Isa siyang undergraduate at isang meshuggener, binabalak ni Almond na kumuha ng major sa Microbiology at minor in Yiddish studies. Nag-aaral siya ng Hebrew at Yiddish, at hindi niya malalampasan ang kanyang pagkahumaling sa klezmer.


Tungkol kay Ren

Si Ren ay isang Pinoy na nakatira sa Japan. Natuto ng Japanese dahil sa pangangailangan, nakapag-aral siya sa language school nang halos 2 taon at pasang-awa sa JLPT N2. Bukod sa Tagalog, English, at Japanese, nakakaintindi siya ng Cebuano at Hiligaynon. Kung hindi siya nag-aadik sa Chess.com, siya ay nag-eensayo ng free throw shooting o nagwi-window shopping ng basketball shoes. Siya ay aktibong miyembro ng Global Cafe, isang Online Language Exchange kung saan nakikipag-usap sila sa English at Japanese.

bottom of page