top of page
Nari

Paanong Wag Dibdibin at Paapekto Masyado sa Pag-aaral ng Wika

Akda ni Nari

Isinalin ni Ren


An open laptop, two books, a cup and pencils on a table

“The Struggle is Real” sa Paggamit ng Iyong Natutunan

Lahat tayo ay dinanas ang ganito. Pinagbutihan mo ang pag-aaral sa iyong target na wika. Tapos sa tingin mo ay naiintindihan mo na ang binabasa at naririnig mo sa iyong antas, ngunit pagkatapos… Dumating na ang tsansa para gamitin ang lahat ng natutunan at makipag-usap o magsulat kasama ang isang native speaker!

“Hala…” naiisip mo. “Paano kung sumablay ako? Paano kung magmukha akong tanga kapag nagkamali ako?”

Ang masaklap pa nyan: iniisip mo na kaya mo nang gawin, ngunit nung akala mo na kaya mo na, hindi ka pala kasing galing tulad ng iniisip mo!) 💢

Dito ka maaaring mawalan ng kumpyansa at bumalik na lang sa mali mong nakasanayan. Marahil ay iisipin mo na: “Kapag handa na ako ulit, saka ko na lang susubukan!”

Ika nga nung isang palamura galing sa Davao, “Huwag mong subukan!”

Kahit na gusto mo na talagang sumuko, pag-isipan mo munang mabuti.

Tandaan mo kung paano ka natutong lumangoy o mag-bisikleta noong bata ka pa. Maaari mong basahin at pag-aralan ito hanggang sa pumuti na ang uwak, ngunit ang aktwal na sitwasyon, iba na yun. Parang sa larangan ng pag-ibig lang yan, malamang sa hindi ay maraming beses kang mabibigo hanggang sa sa wakas ay magtagumpay ka! Ganoon din naman sa pag-aaral ng mga wika! Kung ang layunin mo ay talagang humusay, kailangan mong maging handa at madalas pa ay magmukha ka pang tanga ng maraming beses hanggang sa ito ay maging natural na lang sa iyo. Hindi sapat ang kaalaman lamang kapag hindi mo sinasanay! 💭


black click pen on paper with calligraphy on it

Mga Tips kung Paano Huwag Masyadong Dibdibin ang Pag-aaral

Teka lang, paano nga ba malalampasan ang sariling pagdududa at tigilan ang pag-aalinlangan? 🤔 Dito pumapasok ang iba't ibang mga pamamaraan sa pag-aaral ng lengguwahe. Ito ay naaayon sa iyong mga nais at kagustuhan, lawak ng karanasan sa pag-aaral, saan ka nakatira, atbp.

1. Humanap ng isang tao na makikipag-usap sa iyo gamit ang target na wika. Ang taong ito ay maaaring isang native speaker o isang beteranong mag-aaral ng target mong wika. Basta't kaya nilang ituwid ang iyong mga pagkakamali ng maayos, okay na yan. Mahalaga na pagkatiwalaan mo sila, magkasundo kayo, at hindi sila mainis o mag-rage quit sa pagtutuwid sa iyo. Hindi mahalaga kung gaano karaming sablay ang gawin mo, basta’t gustuhin rin nila na magtagumpay at mag-improve ka! 👩🏻‍🎓 2. Ang bawat pagkakamali ay isang hakbang at hindi isang harang sa pagkatuto. Kung katulad mo ako na nakakaramdam nang sobrang kahihiyan, hindi mo na kailangan isulat pa sa tuwing magkakamali ka dahil sa karanasan ko, ito ay laging tumatatak sa akin at hindi ko agad malilimutan. 3. Mag-relax at maglaan ng oras ayon sa iyong sariling bilis o pace. Sabi nga ng grupong BINI, ito ay hindi karera! Huwag mo munang subukang magsalita o magsulat nang masyadong mabilis ng isang katutubo o native speaker! Kapag binigla mo ang sarili mo sa lawak ng iyong “output”, malamang ay mangangamote ka talaga, magpa-panic at sumablay nang sumablay. na sana ay naiwasan mo na nung simula pa lang! (Gawain ko po ito, huwag tularan) 🚅 4. Alamin mo kung saan ka magaling kapag nawawalan ka na ng gana. Ikaw ang magiging #1 mong taga-suporta kapag hindi na naaayon sa inaasahan mo! 🦾

Sa huli, balikan mo ang iyong paglalakbay sa pag-aaral ng iyong target na wika at mapapansin kung gaano ka na nag-improve! Kapag nakuha mo na ang kumpiyansa sa sarili, mas madali mo nang magagamit ang iyong target na wika. At higit sa lahat: nasisiyahan ka sa ginagawa mo dahil hindi ka na masyadong nahihirapan! 🥰

 

Tungkol kay Nari

Isang dalaga sa kanyang 20s na gustong matuto ng iba't ibang larangan, siya rin ay nagsisikap para sa sariling pagpapabuti upang magkaroon ng mas magandang buhay. Kasalukuyang nag-aaral ng Korean, nanonood ng dramas at pelikula, nag-eehersisyo araw-araw, at gustong maglaro ng mga laro kasama ang kanyang mga kaibigan.


Tungkol kay Ren

Si Ren ay isang Pinoy na nakatira sa Japan. Natuto ng Japanese dahil sa pangangailangan, nakapag-aral siya sa language school nang halos 2 taon at pasang-awa sa JLPT N2. Bukod sa Tagalog, English, at Japanese, nakakaintindi siya ng Cebuano at Hiligaynon. Kung hindi siya nag-aadik sa Chess.com, siya ay nag-eensayo ng free throw shooting o nagwi-window shopping ng basketball shoes. Siya ay aktibong miyembro ng Global Cafe, isang Online Language Exchange kung saan nakikipag-usap sila sa English at Japanese.


bottom of page